Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng kanyang mga kapwa alkalde
mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Lalawigan ng Oriental Mindoro, matagumpay na naisagawa ang “Meeting of League of the Municipalities of the Philippines-Oriental Mindoro Chapter” na ginanap sa Calapan City Hall, nitong ika-21 ng Hunyo.
Binigyang-daan dito sa pangunguna ni Mr. Abe Francisco (Corridor Project Manager) ang pagtalakay tungkol sa “Integrated Approach in Management on Major Biodiversity Corridors in the Philippines”, kasama ang mga kasapi ng DENR MIMAROPA at DA Officials.
Nakatuon din ang iba’t ibang LGU sa lalawigan sa pangangalaga sa likas ng yaman, kung kaya’t isang pagkakataon ito na maibahagi ng bawat isa ang kani-kanilang project concern.
Samantala, nakiisa rin sa nasabing pagpupulong ang mga alkalde ng bayan na sina Hon. Nemmen O. Perez (Mayor of Socorro), Hon. Elegio A. Malaluan (Mayor of Bongabong), Hon. Joselito O. Malabanan (Mayor Victoria), Hon. Ronaldo M. Morada (Mayor of Bansud), at Hon. Ferdinand “Totoy” M. Maliwanag (Mayor Mansalay), gayundin ang iba pang mga opisyales at kinatawan mula sa iba’t ibang munisipalidad.