PAMAMAHAGI NG HEALTH EMERGENCY ALLOWANCE (HEA) CALAPAN, MATAGUMPAY!

Sa patuloy na pagtupad sa mga pangako para sa kagalingan ng mga mamamayan, matagumpay na nanguna sa pamamahagi ng Health Emergency Allowance (HEA) sa mga Barangay Health Workers at Nutritionist ng lungsod si City Mayor Marilou Flores-Morillo. Noong ika-11 ng Hunyo, ang huling batch ng HEA ay naipamahagi na sa mga karapat-dapat na health workers sa iba’t ibang barangay.

Ang kabuuang halaga na ipinamahagi ay umabot sa P8,892,000, na nakinabang ang 362 na health workers. Ang mabilis at maayos na distribusyon ng allowance ay sumasalamin sa dedikasyon at tapat na serbisyo ni Mayor Morillo. Ang kanyang pangako na agad maipamahagi ang HEA ay isang konkretong hakbang sa pagpapabuti ng kondisyon ng mga frontliners sa kalusugan.

Ang Calapan City ay patuloy na nagpapatunay ng kanilang suporta sa mga bayani ng kalusugan, na siyang nangunguna sa pagharap at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng krisis.