EXPANDED HEALTH PROGRAM

Kapag kalusugan ang pinag-uusapan, ito ay nararapat na pahalagahan at pagtuunan, kaya naman patuloy na nagsisikap

ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan na maibigay sa mga mamamayang Calapeño ang serbisyong medikal, sa pamamagitan ng “Expanded Health Program” na isinulong ni City Mayor Marilou Flores-Morillo.

Nitong ika-13 ng Hunyo, sa Calapan City Pavilion, handog ni Mayor Morillo sa mga mamamayan ng Barangay San Vicente (East, West, Central, North, South) ang libreng serbisyong medikal at pangkalusugan, katulad ng Free anti-Pneumonia Vaccine, Dental Health Services, Health Card Services, libreng tuli, Free check-up at iba pa.

Ito ay naisakatuparan sa tulong at suporta nina City Health Officer, Dr. Basilia M. Llanto, Ms. Julieta M. Paduada, RSW (Program Manager, City Socialized Medical Health Care office), gayundin ang ibang mga doctor at nurse, kasama si Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns) at Ms. Charrisa ‘ISAY’ Flores-Sy (Volunteer).