Bagamat naantala, subalit sulit ang paghihintay para sa mga nagwagi sa ‘Raffle Bonanza’ na kabilang sa mga programang nakapaloob sa Calapan City Fiesta 2024.
Nitong, nakalipas na Hunyo 12, 2024, kaalinsabay ng selebrasyon ng Araw ng Kaalayaan ay napasakamay na ng mga mapapalad na Calapeño ang kanilang napanalunang sasakyan.
Ang Minor Priza na Trycicle with Franchise ay napanalunan ni Mr. Joey Otaso na taga San Vicente West, samantalang ang Grand Prize na Brand New Toyota Wigo 1.0 G CVT with free Insurance and LTO Registration ay napanalunan ni Mr. Simeon Delos Reyes na residente ng Barangay Camansihan.
Ang pagsasagawa ng naturang raffle draw ay pinangasiwaan ng City Housing and Urban Settlement Department na pinamumunuan ni CHUS Officer Engr. Redentor Reyes katuwang ang Department of Trade and Industry Oriental Mindoro na kinatawan ni Ms. Patricia Joy Sotomayor.
Saksi naman sa ginawang proseso ng raffle draw ang ilan sa mga kawani mula sa Sto. Niño Cathedral sa pangunguna ni Rev. Fr. Lito Abella.
Si City Mayor Marilou Flores-Morillo ay dumalo rin sa nasabing gawain, dito ay kanyang ipinaabot ang maagang pagbati sa mga maswerteng magwawagi. Kanya ring pinasalamatan ang CHUSD sa matagumpay na pangangasiwa ng proyekto gayundin sa lahat ng mga tumangkilik.
Ayon pa sa Alkalde, ang kikitain ng proyetong ito ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ay buong ipagkakaloob sa Sto. Cathedral upang maging laang-pondo para sa maintenance and improvement ng simbahan.
Nasa P350,000 ang kabuuang halaga na kinita ng proyekto na kung saan ay ginampanan ni Mayor Morillo ang turn over ng nasabing halaga na personal na tinanggap ni Fr. Abella.