PAGPAPAKITA NG SUPORTA NI MAYOR MORILLO SA KABATAAN NG CALAPAN

Sa ginanap na Awarding Ceremony ng Canubians Cup Inter Sitio Summer League 2024 noong ika-15 ng Hunyo,

ipinamalas ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang kanyang walang sawang suporta sa mga inisyatibo ng Sangguniang Kabataan. Ang kaganapang ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng paghubog sa karakter ng mga kabataan sa pamamagitan ng palakasan.

Sa naturang seremonya, binigyang-pugay ang mga kabataang Calapeño na nagpakita ng kahusayan at sportsmanship sa buong tag-araw. Pinasalamatan din ang SK Councils sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na maging bahagi ng tagumpay ng liga.

Hindi rin nakalimutan ang mahalagang ambag ni dating Konsehala Mylene De Jesus at ni Mr. Jaypee Vega, Head ng Barangay Affairs and Sectoral Concerns, na kapwa naging instrumento at katuwang ni Mayor Morillo sa patuloy na paghahatid ng Serbisyong Tama at suporta sa mga mamamayan.