2-DAY FREE THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) SA BARANGAY TIBAG

Noong ika-15 ng Hunyo, nagkaroon ng 2-Day Free Theoretical Driving Course (TDC) sa Barangay Tibag Covered

Court. Ito ay bahagi ng inisyatibo ni Mayor Mariloe Flores-Morillo at ng Serbisyong TAMA Program, sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) na pinamumunuan ni Chief Merwin C. Quitain, Chief of LTO Calapan District Office.

Layunin ng programa na patuloy na makapagbigay ng mas mabilis na access sa mga programa ng gobyerno ang mga Calapeño, partikular sa mga nais kumuha ng Student at Drivers License. Sa pamamagitan ng libreng kurso, maraming kababayan natin ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng tamang kaalaman sa pagmamaneho at sa mga traffic rules.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Morillo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lisensya. Ipinapaalala naman ni Chief Quitain na ang driver’s license ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan. Ang pagkakaroon nito ay may kaakibat na responsibilidad na maging maingat at sumunod sa mga alituntunin sa kalsada.