Puno ng aktibidad at pag-asa ang Kalap Hall ngayong ika-18 ng Hunyo, 2024, kung saan personal na pinangasiwaan ni
City Mayor Marilou Flores-Morillo ang naging pamamahagi ng pinansiyal na tulong sa 172 nating kababayan nangangailangan . Ang inisyatibong ito ay nagsilbing liwanag ng suporta para sa mga humihingi ng tulong para sa gastusin medikal, gastos sa libing, at iba pang mahahalagang pangangailangan pinansiyal.
Tiniyak ni Mayor Morillo, kasama ang masisipag na koponan mula sa Serbisyong TAMA Program, City Social Welfare & Development na pinamumunuan ni Ms. Juvy L. Bahia, RSW, at mga kawani ng City Tresurer’s Office, na ang bawat pangangailangan ay natugunan nang may pagmamalasakit at kahusayan.
Habang unti-unting lumiliit ang bilang ng mga tao sa Kalap Hall, iniwan nito ang mga kwento ng galak at pasasalamat sa patuloy na misyon ng lungsod na maglingkod sa mga mamamayan nito nang may integridad at malasakit. Isang Serbisyong TAMA ang patuloy na pangako ni Mayor Morillo.