DISTRIBUTION OF FERTILIZER DISCOUNT VOUCHERS: MAAGANG SUPORTA SA MGA MAGSASAKA

Sa personal na pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama sina Councilor Atty. Jel Magsuci at Ms.

Agatha Ilano ay matagumpay na naipamahagi ang Fertilizer Disscount Vouchers mula sa Department of Agriculture (DA) sa 700 masisipag na magsasaka ng lungsod. Ginanap sa Brgy. Buhuan at Nag-Iba I ngayong ika-18 ng Hunyo, kung saan iba’t ibang barangay din ang naging benepisyaryo.

Ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng DA, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, para sa pagpapalakas ng kabuhayan ng ating mga kababayan na magsasaka.

Ang kabuuang halaga ng mga Discount Voucher na ipinamahagi ay umabot sa P 2,380,000. Ang bawat voucher ay magagamit ng mga magsasaka upang makakuha ng pataba sa mas murang halaga, na malaking tulong lalo na sa panahon ng paghahanda para sa susunod na taniman.

Pinuri ni Mayor Morillo ang dedikasyon at sipag ng mga magsasaka at binigyang-diin ang kahalagahan ng agrikultura sa ekonomiya ng lungsod. Binigyang-diin din niya ang kanyang pangako na patuloy na maghanap ng mga paraan upang suportahan at palakasin ang sektor ng agrikultura.