13TH CITY COLLEGE OF CALAPAN COMMENCEMENT EXERCISES 2024

Matagumpay na naidaos ng City College of Calapan ang kanilang 13th Commencement Exercises na nakaangkla sa temang “Flourishing in Complexity, Elevating Educational Excellence Through Innovation and Resilience”, ginanap sa Calapan City Convention Center, ngayong ika-19 ng Hunyo.

Nasa kabuuang 333 na mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Calapan ang pormal na nagsipagtapos, kung saan kabilang dito ang 264 college students, 45 senior high school students, at 24 students mula sa ABM-ALS.

Kaugnay nito, binigyang pagkilala ang dalawang mahusay na mag-aaral na nagtapos bilang “Cum Laude” na sina Mary Faith O. Lumanglas (Bachelor of Science In Tourism Management) at Yaneza Via A. Barcelona (Bachelor of Special Needs Education), kung saan nagsipagtapos din na “With Highest Honors” sina Coz, Sophia Gianelle V. at Villamiel, Kyle Angelo Laylay.

Ang makasaysayang pagtatapos na ito ay masayang sinaksihan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at College Administrator, Dr. Ronald F. Cantos na siyang dinaluhan ng Guest Speaker na si Dr. Jimmy Guisdan Catanes, CESE (CHED MIMAROPA Regional Director).

Naging bahagi rin ng nasabing aktibidad si Congressman, Arnan C. Panaligan, Representative of the First District of Oriental Mindoro, Calapan City Councilors, Member of CCC Board of Trustees, Directors, Deans, Program Heads, Coordinators, Office Heads, Faculty, Parents at iba pa.