Sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na naisakatuparan ng Pamahalaang
Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Economic Enterprise Department, sa pamumuno ni CEED Officer, EnP. Nepo Jerome G. Benter, ang aktibidad na pinamagatang “Lingap Ka-Manggagawa sa Pamilihan ng Calapan” ginanap nitong ika-21 ng Hunyo.
Layunin ng nasabing community service activity na mabigyan ng pagkakataong maitampok sa publiko ang iba’t ibang lokal na produkto ng mga local producer ng lungsod, at mailapit sa mga mamamayan ang serbisyo ng iba’t ibang National Government Agency, katulad ng SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, at iba pa.
Sa naging pagbisita ni Mayor Morillo at City Councilor, Atty. Jel Magsuci, nakita nila ang angking husay ng mga lokal na manggagawa sa paglikha ng kani-kanilang iba’t ibang produkto, kaya naman sinusuportahan sila ng punong-lungsod, at ng pamunuan ng CEED.