“Ating gunitain ang ating nakaraan, yakapin ang kasalukuyan, at maghangad ng mas maliwanag na
hinaharap.” — City Mayor Marilou Flores-Morillo
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pagdiriwang ng ika-126 na taon ng kalayaan ng Pilipinas sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Administrator, Ms. Penelope D. Belmonte, ginanap sa Calapan City Hall, nitong ika-12 ng Hunyo.
Binigyang pugay ng Calapan City, Philippine National Police (PNP) ang watawat ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Gun Volley Salute na sinundan ng Entrance of Colours ng Southwestern College of Maritime, Business and Technology, at sama-samang pag-awit sa Philippine National Anthem, kasama ang Calapan City Marching Band.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga department/office head at program managers ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at mga kawani nito, kasama ang mga nasa hanay ng Philipine National Police, sa pamumuno ni PLTCOL DANILO U DRIZ, JR., Chief of Police, gayundin ang Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Knights of Columbus, at Tamaraw Masonic Lodge No. 62, gayundin ng iba pang mga opisyales at panauhing dignitaryo.
Samantala, matagumpay na naidaos ang makabuluhang aktibidad sa pangangasiwa ng Calapan City Tourism, Culture and Arts, sa pamumuno ni Supervising Tourism Operations Officer, Mr. Christian E. Gaud, sa pakikibahagi ng Anak ng Teatro, at Tanghalang City Collegian, sa pamamagitan ng kanilang “Cultural Presentation”.