Personal na binisita nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗮𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci ang mga senior citizen ng lungsod ng Calapan na tumanggap ng 𝗣𝟯,𝟬𝟬𝟬 na ayuda na ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan, ginanap sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗜, nitong ika-6 ng Disyembre.
Nasa kabuuang 𝟲𝟬𝟳 na senior citizens ang nabiyayaan ng naturang ayuda na nagmula sa Barangay Canubing II, 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘀, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝘀, at 𝗦𝘁𝗮. 𝗥𝗶𝘁𝗮, na matagumpay na naisakatuparan sa pangangasiwa at pagtutulungan ng pamahalaang lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪 at ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (DSWD).
Lubos namang nagpapasalamat ang mga residenteng nagmula sa nasabing apat na barangay sa ipinagkaloob sa kanilang tulong pinansyal, dahil malaking suporta ito, para sa kanilang kabuhayan at gastusin sa pamilya, at higit sa lahat, bilang regalong magagamit nila, para sa pagdiriwang ng Pasko.