Dumalo si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa pagdiriwang ng ika-5 na Anibersaryo ng 𝗧𝗼𝘆𝗼𝘁𝗮 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗜𝗻𝗰., na ginanap sa Barangay Biga, Calapan City, Oriental Mindoro, nitong ika-17 ng Marso.
Dito ay nakasama niya sina 𝗧𝗖𝗔 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗿. 𝗘𝗿𝗻𝗲𝘀𝘁𝗼 𝗧𝗮𝗻, 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗠𝘀. 𝗥𝗼𝘀𝗲𝗹𝘆𝗻 𝗧𝗮𝗻, at 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗞𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗵𝗲𝗹 𝗩𝗶𝗿𝗶𝗻̃𝗮, gayundin ang ilan pang mga dumalong mahahalagang panauhin.
Tampok din sa pagdiriwang na ito ang naging tagumpay, at paglalakbay ng Toyota Calapan City, Inc., patungo sa kasalukuyan nilang estado.
Dagdag pa rito, binigyang daan din sa programang ito ang pagbibigay parangal at pagkilala sa mga natatanging empleyado, at Business Partners na kanilang naging kaagapay.
Batid ni Mayor Morillo na ang pagkakaroon nila ng matibay na pundasyon sa samahan ang naging daan sa kanilang tagumpay na alam niyang magpapatuloy pa, dahil sa mga masisigasig, at mahuhusay na indibidwal na namamahala rito, kaya naman taos puso ang kanyang pagbati sa Toyota Calapan City, Inc.






