Sa pagdiriwang ng ika-50 taon ng Nutrition Month, isa sa mga mahahalagang aspeto ng programa
ay ang patuloy na suporta at pagtitiyak ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa mga programa para sa kalusugan ng mga Calapeno.
Bilang bahagi ng selebrasyon, nagsagawa ang Calapan City Health-Nutrition Section ng isang espesyal na programa na naglalayong magbigay-diin sa kahalagahan ng wastong nutrisyon sa ating kalusugan.
Isa sa mga tampok na aktibidad ng pagdiriwang ay ang Collage Making Contest, kung saan sina PAT Andre Bagiwan at PAT Jefferson Aquilena mula sa PNP Calapan City ay nagpakitang-gilas sa kanilang paglikha ng mga likhang-sining.
Sa kategoryang “Makatang Pang-Nutrisyon Hatid Ni Lolo at Lola,” mga beteranong makata mula sa lipunan ang nagtagisan ng kanilang talento upang maipahayag ang kahalagahan ng nutrisyon sa pamamagitan ng kanilang mga likha.
Kasama rin sa programa ang mga kawani mula sa City Health Department, City Nutrition na pinamumunuan ni City Nutrition Action Officer, Ms. Glenda M. Raquepo, RN, katuwang sina Dr. Ronald Cantos mula sa City College of Calapan, Mr. Oscar Ricaflanca ng Scaling Up Nutrition Program, at si Mr. Arjay Genarce mula sa NEDA.