Nasa kabuuang 𝟭𝟲𝟲 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nagkakahalagang 𝗣𝗵𝗣 𝟯,𝟬𝟬𝟬 sa isinagawang “𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝑰𝒏𝒅𝒊𝒗𝒊𝒅𝒖𝒂𝒍𝒔 𝒊𝒏 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒊𝒔 𝑺𝒊𝒕𝒖𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 (𝑨𝑰𝑪𝑺) 𝑷𝒂𝒚𝒐𝒖𝒕” para sa mga Calapeño, ginanap sa City Mall Activity Center, Brgy. Ilaya, Lungsod ng Calapan, nitong ika-6 ng Oktubre.
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci, at sa pamamagitan ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan ni 𝗦𝗧𝗣 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, katuwang ang 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, matagumpay na naibaba ang tulong pinansyal sa mga Calapeño na mula sa iba’t ibang sektor, kung saan karamihan sa mga ito ay nabibilang sa 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵, 𝗧𝗢𝗗𝗔, at 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱𝗶𝗮𝗻𝘀.
Ang nasabing AICS Payout na programa ng DSWD ay naisakatuparan, dahil sa 500,000 Pisong pondong handog ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 Joel Villanueva, para sa mga mamamayan ng Calapan na siyang bunga ng pagsusumikap ni Mayor Malou Morillo sa pakikipag-usap sa mga Senador, para makakalap ng mga karagdagang tulong na maibababa niya sa mga nangangailangan.
“𝑵𝒂𝒏𝒊𝒏𝒊𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒑𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒑𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒃𝒖𝒎𝒂𝒃𝒂 𝒔𝒂 𝒑𝒘𝒆𝒔𝒕𝒐, 𝒉𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐, 𝒕𝒂𝒏𝒅𝒂𝒂𝒏 𝒏’𝒚𝒐 𝒑𝒐, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒑𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒂𝒏. 𝑳𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒏𝒅’𝒚𝒂𝒏 𝒑𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐, 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒐 𝒎𝒂𝒏 𝒑𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐.” — Mayor Marilou F. Morillo
Dagdag pa rito, lubos ding nagpapasalamat ang Ina ng Lungsod sa suporta at tulong na inihandog ng Senador at sa DSWD, gayundin, hangad ni Mayor Morillo na patuloy siyang suportahan sa kanyang mga magagandang adhikain para sa lungsod.