Binisita ng mga guro at mag-aaral ng 𝗡𝗮𝘂𝗷𝗮𝗻 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 ang ipinagmamalaking City Hall ng Lungsod ng Calapan, nitong ika-2 ng Disyembre, bilang bahagi ng kanilang 𝒆𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝒕𝒐𝒖𝒓, 𝑴𝑼𝑵𝑯𝑰 𝑳𝒂𝒌𝒃𝒂𝒚-𝑨𝒓𝒂𝒍, na kanilang isinagawa, upang mapalawig pa ng husto ang kaalaman at kabatiran ng mga estudyante, sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pag-unawa sa mga iniingatang yamang pamana ng kasaysayan ng Lungsod.
Mahigit sa limang daang (500) mag-aaral ng naturang paaralan ang nagtungo at naglibot sa City Hall, gayundin sa iba’t ibang departamento at opisina rito, na binigyang suporta at paggabay ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱, kasama si 𝗠𝗿. 𝗥𝗲𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗼 𝗚. 𝗖𝘂𝗲𝘁𝗼 na tagapangasiwa ng 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑴𝒖𝒔𝒆𝒖𝒎.