Hinuli ng mga awtoridad ang limang (5) mangingisdang residente ng Brgy. Ibaba West, lungsod ng Calapan matapos itong maaktuhang iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Harka Piloto.
Ang mga nasabing mangingisda ay inaresto dahil sa paglabag sa ๐๐ถ๐๐ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ก๐๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ด๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ญ, ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ญ๐ด, na nagbabawal sa paggamit ng compressor sa pangingisda.
Nakuha mula sa kanila ang isang net bag, mga flash light, weights, kutsilyo, isang unit ng air compressor, box cooler na naglalaman ng iba’t ibang uri ng isda, spear fishing gun, at bangka na walang ๐บ๐๐๐๐๐, ๐บ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐บ๐บ๐ฌ๐ต) ng ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐ฎ๐๐ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pangingisda gamit ang compressor dahil sa panganib na dulot nito sa kalusugan ng tao maging sa yamang-dagat.
Ang adminsitrasyon ni ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ ay seryoso sa pangangalaga sa likas na yaman ng Calapan, kung kaya’t isa ang ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป program sa pinagtutuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan na ang layunin ay mapangalagaan, maprotektahan, at mapahalagahan ang kalikasang nagbibigay kabuhayan, pagkain, at masiglang ekonomiya sa lungsod sa pamamagitan ng turismo.
Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐๐ ๐ข) sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga katubigang sakop ng Calapan pati na ang pagtuturo ng tama at responsableng pangingisda.