Pinangunahan ni City Mayor Malou F. Morillo bilang siya rin ang Chairperson ng RGCMC ang ikaapat na Regional Government Center Management Committee Meeting nitong ika-22 ng Nobyembre.

“Bukas-palad kong tinatanggap ang mga ahensiya at regional offices na nagnanais lumipat ng opisina dito sa Lungsod ng Calapan,” iyan ang mensahe ni Mayor Malou sa pormal na pagbubukas ng pagpupulong.

Dito ay tinalakay ng komite ang estado ng planong pagpapatayo ng MIMAROPA’s Regional Government Center sa pamamagitan ng Usufruct Agreement.

Ayon sa Punong Alkalde tinatayang 31 national government offices ang nagpahayag ng kanilang pagpapatayo ng opisina sa lungsod.

Hinihiling naman ni Provincial Governor Bonz Dolor na iprayoridad ang proyektong ito ng mga miyembro ng kumite; gayundin, hinahamon niya ang lahat na magawan ng paraan upang magsimula na at maging mabilis ang pagpapatayo ng nasabing RGC.

Para kay Mayor Malou, malaking tulong ang pagpapatayo ng RGC sa lalawigan ng Oriental Mindoro lalong-lalo na sa Lungsod ng Calapan sa kadahilanang magiging mas malapit sa mga mamamayan ang mga serbisyong pangrehiyonal o nasyonal (Thea Marie J. Villadolid/CIO).