Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
4th Assistance to Individual In Crisis Situation, handog ni Senator ‘Bato’ para sa mga Calapeño – Calapan City Official Website

4th Assistance to Individual In Crisis Situation, handog ni Senator ‘Bato’ para sa mga Calapeño

Si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, dahil datihang pulis bago naging Senador, may matigas na paninindigan subalit may busilak at malambot na puso para sa mga mahihirap.

Kung kaya naman nang dahil sa matiyagang pakikiusap ng Ina ng Lungsod ng Calapan na si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ay agarang tinugunan ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗕𝗮𝘁𝗼 ang kanyang kahilingan na mabigyan ng 𝗔𝗜𝗖𝗦 (𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝑰𝒏𝒅𝒊𝒗𝒊𝒅𝒖𝒂𝒍 𝒊𝒏 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒊𝒔 𝑺𝒊𝒕𝒖𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏) ang kanyang mga kababayan sa Calapan City.

“𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒉𝒊𝒉𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒉𝒊𝒏𝒈𝒊 𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑺𝒆𝒏𝒂𝒅𝒐𝒓, 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏 𝒑𝒐𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒊𝒉𝒊𝒏𝒈𝒊 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒊𝒏𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏”, ani City Mayor Morillo nang kanyang pangunahan ang pamamahagi ng AICS, isinagawa sa City Mall, Barangay Ilaya , Calapan City noong Setyembre 25, 2023.

Ipinagpasalamat naman ni Mayor Malou ang pagdating ng mga kinatawan mula sa opisina ni Senator Dela Rosa na sina 𝗝𝘂𝗻 𝗠𝗼𝗿𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝑷𝒐𝒍𝒊𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓 – 𝑳𝒖𝒛𝒐𝒏 𝑯𝒆𝒂𝒅 at dalawa pang kasamahan nito na sina 𝗥𝘂𝘀𝘀𝗲𝗹 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘇𝘂𝗲𝗹𝗮 at 𝗖𝗵𝗮 𝗘𝗹𝘂𝗱𝗼.

Sa pamamagitan ni Mr. Jun Morales ay naipaabot ni Senator ‘Bato’ ang kanyang mensahe para sa mga benipisyaryo ng programa. Aniya, gamitin para sa pamilya ang ayudang natanggap at huwag sa hindi kapaki-pakinabang na bagay tulad ng sugal at iba pang masamang bisyo.

Ramdam umano ni Senator ‘Bato’ ang hirap na pinagdaanan ng mga Pilipino sa mga nakalipas na krisis tulad ng pandemya at kalamidad, kung kaya’t nararapat lamang aniya na mabigyan ng ganitong uri ng tulong ang mga apektadong indibidwal.

Umabot sa 𝟯𝟯𝟯 magsasaka mula sa 37 𝑭𝒂𝒎𝒆𝒓𝒔 𝑨𝒔𝒔𝒐𝒄𝒊𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 sa buong lungsod na naapektuhan ng matinding tag-tuyot (drought) ang naging benipisyaryo ng AICS mula kay Senator ‘Bato’ Dela Rosa.

Samantalang ang isang milyong piso na pondo para dito ay nagmula naman sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗦𝗪𝗗), na kung saan matapos dumaan sa mabusising balidasyon ay tumanggap ang bawat isang indibidwal ng 𝗣𝟯,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬.

Ang pamamahagi ng naturang ayuda ay pinangasiwaan ng 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗧𝗲𝗮𝗺 (𝗦𝗪𝗔𝗗-𝗧) 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗦𝗲𝘃𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗕𝗼𝗼𝗻𝗴𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴, katuwang ang 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼 katulong ang 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲.

Maliban kay Mayor Malou ay naroon din upang makiisa sa gawain si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci gayundin sina 𝗠𝗿. 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, 𝗖𝗦𝗢 𝗗𝗲𝘀𝗸 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 at 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗮𝘀𝗽𝗲𝗿 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗰𝗼, 𝗖𝗔𝗦𝗗 – 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿.

Mababakas sa mukha ng mga benipisyaryo ang kasiyahan matapos nilang matanggap ang tulong mula sa ating pamahalaan na anila’y makakaambag sa kanilang gastusin at bahagyang maibsan ang nararanasang kakapusan dulot ng negatibong epekto ng matinding tag-tuyot sa kanilang bukirin.