Sa pagtutulungan ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 – 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 at ng mga staff ni City Councilor, Atty. Jel Magsuci, gayundin ng ilan sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, matagumpay na naisagawa ang 3𝒓𝒅 𝑨𝑰𝑪𝑺 𝑷𝒂𝒚𝒐𝒖𝒕 na mula sa ibinigay na pondo ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗕𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗼, para sa mga mamamayan ng Calapan na ginanap sa Kalap Court, City Hall, nitong ika-1 ng Setyembre.
Nakiisa sa aktibidad na ito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci na siyang naging daan para maisakatuparan ito, kung saan inaasahan nilang makatatanggap ng 𝗣𝟮,𝟬𝟬𝟬 ang nasa kabuuang 𝟮𝟬𝟰 na benepisyaryo na mula sa iba’t ibang Barangay sa Lungsod ng Calapan.
Nais ng butihing Alkalde para sa mga nakatanggap ng tulong pinansyal na pakaingatan at gamitin ito sa tama, para makatulong sa kanilang pangkabuhayan, kung saan dito ay ipinabatid din niya sa mga Calapeño na patuloy silang gumagawa ng mga hakbang ni Konsehal Magsuci, para tuloy-tuloy na masuportahan at matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ng Lungsod.
Samantala, lubos namang nagpapasalamat si Atty. Magsuci sa Panginoon, kay Senator Bong Go para sa inihandog niyang tulong, sa DSWD para sa kanilang pakikipagtulungan, sa lahat ng mga kawani na naging katuwang niya para maisakatuparan ang aktibidad na ito, at gayundin kay Mayor Morillo, kung saan hinihikayat niya ang mga mamamayan na suportahan ang Ina ng Lungsod para sa kanyang mga programa.