Kahoy “Nakaukit sa kahoy ang kasaysayan ng Calapan.” Ang Calapan noong unang panahon ay kilala bilang lugar para sa pangangalap ng kahoy at ayon sa mga mananalaysay, ang Calapan ay nagmula sa salitang ‘kalap’ na ang ibig sabihin ay ‘pangangalap o pangongolekta ng sanga ngpunong kahoy”.
Ang Calapan ay binibigkas na ‘kalapang’ at mula sa lumang diksyunaryong Tagalog, ito ay nangangahulugang ‘sanga’. Kulay Pilak Sa pamamagitan ng RA No. 8475, naging isang component city sa lalawigan ng Mindoro ang Calapan at dahil sa mga CalapeƱo, tuluyang naitatag ang Lungsod ng Calapan noon ika-21 ng Marso 1998.
Ngayong 2023, ginugunita natin ang ika-25 taong anibersyaryo ng pagiging ganap na lungsod ng mahal nating Calapan. Samantala, ang PILAK Calapan ay tumatayo sa mga salitang “Paglalakbay patungo sa Isang Luntian, Asensado, at Kumakalingang Calapan. Luntiang Dahon Mula noon, nakita na sa Calapan ang isang progresibong komunidad.
Naging maunlad sa komersyo at industriya, imprastraktura at mga serbisyong panlipunan. Kagaya ng mga dahon, patuloy ang pag-usbong ng Luntiang Lungsod ng Calapan na minimithi ng Administrasyong Morillo – Ignacio. Banderitas at Sinag Isa sa mga pinakaaabangan sa lungsod ang Kalap Festival kung saan napupuno ng kulay, at pag-asa ang buong kalungsuran.
Gayundin, hudyat ito ng paghahari ng saya, sigla, at liwanag sa Lungsod ng Calapan.
