250,000 Bangus fingerlings, handog sa mga fish operators

Muling nagkaloob ng mga mahigit 𝟮𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝒃𝒂𝒏𝒈𝒖𝒔 𝒇𝒊𝒏𝒈𝒆𝒓𝒍𝒊𝒏𝒈𝒔 ang Pamahalaang Lungsod sa 𝟱𝟬 fish operators nitong ika-31 ng Agosto sa Barangay Wawa.

𝟱,𝟬𝟬𝟬 fingerlings kada fish operator ang pinamahagi nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶, at 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗢𝗜𝗖 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀.

Ito ay katuparan ng pangako ni Mayor Morillo na second wave ng pagbibigay ng fingerlings nang sa gayon ay maging tuloy-tuloy ang pagdami ng mga isda sa katubigan ng lungsod.

Gayundin, layunin ng Pamahalaang Lungsod na matulungan ang mga mangingisdang Calapeño na maibalik ang sigla ng kanilang hanapbuhay.