Isinagawa ngayong Setyembre 29, 2026 ang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamahala ni Mayor Doy C. Leachon, para sa pagbibigay ng Livelihood Assistance to Fisherfolk Organizations bilang suporta sa kabuhayan ng mga samahan ng mangingisda sa lungsod.
Umabot sa 12 fisherfolk organizations ang naging benepisyaryo ng programa, na naglalayong makatulong sa pagpapatatag ng kanilang kabuhayan at pagpapalakas ng kanilang sektor.
Pinangunahan ang nasabing programa ni Mr. Wilfredo Landicho, FMO OIC. Nakiisa rin at nagpakita ng lubos na suporta sa aktibidad si CA Angel Navarro, kasama si Konsehala Genie Fortu, Chairperson ng Committee on Fisheries.
Mahalaga ang mga ganitong programa dahil ang sektor ng pangisdaan ay may mahalagang papel sa kabuhayan at food security ng buong Calapan. Sa pamamagitan ng livelihood assistance, nabibigyan ang mga mangingisda at kanilang mga organisasyon ng karagdagang suporta upang mapaunlad ang kanilang hanapbuhay, mapalakas ang kanilang kakayahan, at magkaroon ng mas matatag na pagkakakitaan.
Patuloy na binibigyang halaga ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang kapakanan ng mga mangingisda bilang mahalagang bahagi ng lokal na ekonomiya at komunidad, tungo sa mas produktibo, mas matatag, at mas maunlad na sektor ng pangisdaan sa lungsod ng Calapan.