Welcome to Calapan City!

SHELTER ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA 67 BENEPISYARYO SA LUNGSOD NG CALAPAN

Isinagawa ang Shelter Assistance Distribution para sa 67 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan, na naglalayong makatulong sa mga pamilyang nangangailangan ng suporta para sa pagsasa-ayos ng kani-kanilang tahanan.
 
Umabot sa ₱552,000.00 ang kabuuang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga benepisyaryo. Ang programa ay pinangunahan ng City Housing and Urban Settlements Department (CHUSD) sa pamamahala ni Engr. Redentor A. Reyes, Jr.
 
Ang ganitong uri ng assistance ay mahalaga sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa mga Calapeño na may limitadong kakayahang pinansyal para sa pagkukumpuni, pagpapatayo, o pagpapaunlad ng kanilang tahanan. Sa pamamagitan nito, nabibigyan sila ng dagdag na suporta upang magkaroon ng mas ligtas, maayos, at disenteng lugar na matatawag na tahanan.
 
Patuloy na isinusulong ng City Housing and Urban Settlements Department at ng pamahalaang lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Doy C. Leachon ang mga programang nagbibigay ng konkretong tulong at suporta sa mga nangangailangang mamamayan ng Calapan, bilang bahagi ng pagsisikap na mapabuti ang kanilang kalagayan at kalidad ng pamumuhay.
 
Para sa mas ligtas at maayos na tahanan, tungo sa mas matatag na pamilyang Calapeño.