Welcome to Calapan City!

MINDORO TAMARAW MPBL TEAM

Isang masaganang pananghalian ang inihandog ni City Mayor Doy Leachon para sa Mindoro Tamaraw MPBL Team bilang paghahanda sa kanilang nakatakdang bakbakan ngayong gabi sa Calapan City Coliseum.
 
Sa pamamagitan ng City Government of Calapan at sa pamamahala ng City Youth and Sports Development Department (CYSDD), naging masaya at puno ng sigla ang salo-salo na ginanap sa Playa Ignacio. Nakiisa rin sa naturang kaganapan si Mayor Jennifer Cruz (Mayor Ina Alegre) ng Bayan ng Pola, Oriental Mindoro, upang magparating ng suporta at lakas ng loob sa mga manlalaro.
 
Handang-handa na ang Mindoro Tamaraw na ipagtanggol ang ating home court! Kaya naman inaasahan ang pagdagsa ng ating mga kababayang Calapeño mamayang gabi sa Calapan City Coliseum upang mag-ingay at magpakita ng buong-pusong suporta!
 
📌 Mindoro Tamaraw vs. Basilan Steel
📍 Calapan City Coliseum
 
Kita-kits tayo rito at sama-sama nating isigaw: Laban, Mindoro Tamaraw!