Welcome to Calapan City!

ISANG MATAGUMPAY AT MAKASAYSAYANG PAGTATANGHAL!

Isang gabi ng pag-alala, dangal, at pambihirang sining ang nabuksan sa Calapan City Coliseum sa pagtatanghal ng ‘LINGID: A Musical Tribute to the Martyrdom of Monsignor Wilhelm Finnemann, SVD and Heroism of Mayor Epifanio B. Cueto Sr.’
 
Sa pangunguna ng OMBSI Volunteer Artists of Mindoro Oriental Society (VAMOS), muling nabuhay sa entablado ang dakilang kasaysayan at kabayanihan na humubog sa ating minamahal na lungsod.
 
Ipinagmamalaki nitong pinangunahan ng ating City Mayor, Mayor Doy Leachon—na apo mismo ng dating Calapan Municipal Mayor Epifanio Cueto—ang nasabing kaganapan. Dumalo at nakiisa rin ang mga kawani ng City Government of Calapan, iba’t ibang kilalang personalidad, mga samahan, at ang buong mamamayan ng Calapan na nag-iwan ng buong suporta sa makabuluhang pagtatanghal na ito.
 
Mula sa mahuhusay na pagganap ng main cast:
 
  • Mr. Niño Angelo Agutaya – bilang Mayor Epifanio B. Cueto Sr., na nagpakita ng walang katulad na tapang at kabayanihan
  • Mr. Ulrich Kramp (mula sa Germany) – bilang Monsignor Wilhelm Finnemann, SVD, na nagpamalas ng buong-pusong pag-aalay ng buhay para sa pananampalataya at katarungan
  • Ms. Ana Roque Alo – bilang Julia Cueto, ang mapagmahal at matatag na maybahay ni Mayor Cueto
Ang tagumpay na ito ay naging posible sa pamamagitan ng Oriental Mindoro Butterfly Society Inc. (OMBSI), sa ilalim ng mahusay na paggabay nina Director Playwright Chavit B. Zulueta at Project Director Nestor del Mundo, kasama ang masipag na koordinasyon ng City Tourism, Culture and Arts Office sa pangunguna ni Mr. Christian Gaud.
 
Isang taos-pusong MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng nanood, sumuporta, at nakiisa! Ang inyong pagdalo ay patunay na buhay ang kasaysayan sa puso ng bawat Calapeño. Kabilang na kayo sa isang mahalagang pahina ng ating sining at pamana!