





Mula sa matitinding sipa, nagtataasang tumbling, at walang papatay-patay na depensa, naging maalab at puno ng aksyon ang ginanap na CCAA Season 21: Sepak Takraw!
Sa pangunguna ng City Youth and Sports Development Department (CYSDD) sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Marvin Panahon, nagtipon-tipon ang pinakamagagaling na atletang Calapeño upang maipamalas ang kanilang galing, bilis, at taktika sa naturang larangan.
Nagpalitan ng matitinding spike, block, at serve ang mga koponan mula sa:
- City College of Calapan (CCC)
- Mindoro State University (MinSU) – Calapan City Campus
- Divine Word College of Calapan (DWCC)
- Luna Goco Colleges (LGC)
Naging saksi ang City Plaza Pavilion sa ipinakitang husay, disiplina, at tunay na diwa ng sportsmanship ng bawat koponan. Isang malaking pagpupugay sa lahat ng manlalaro at tagapagsanay na nagbigay ng pambihirang laban!
Congratulations sa lahat ng koponan! Patuloy nating suportahan ang kabataang Calapeño sa larangan ng palakasan!