



Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary, masayang nagsama-sama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan kahapon, Setyembre 25, 2026, para sa isang salo-salo at maikling programa na inilaan para sa “Araw ng mga Empleyado.”
Sa kabila ng araw-araw na sipag at dedikasyon sa pampublikong serbisyo, nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magsaya at magdiwang. Lalo pang naging espesyal ang okasyon sa pakikiisa ni City Mayor Doy Leachon, na masayang nakihalubilo at nakipag-picture taking sa bawat departamento!
Tampok din sa programa ang pagpaparangal sa mga nagwagi sa Likha-Bayani Painting Competition, kung saan ipinamalas ng iba’t ibang departamento ang kanilang galing at sining, pati na rin ang paggawad ng Gawad Lingkod Bayani para sa mga natatanging empleyado ng lungsod.
Isang makulay, masaya, at punong-puno ng pasasalamat na araw para sa lahat ng lingkod-bayan. Isang muling pagpapaalala na sa bawat serbisyo, bawat Calapeño ay mahalaga!