Welcome to Calapan City!

KAKAIBANG SAYA AT PAGKAKAISA, NAKITA SA WRONG OUTFIT FUN RUN SA LUNGSOD NG CALAPAN!

Puno ng kulay, tawanan, at malikhaing kasuotan ang kamakailan lamang na isinagawang Wrong Outfit Fun Run, kung saan masayang nakiisa ang mga Calapeño na nakasuot ng kani-kanilang natatanging “wrong outfits.”
 
Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro, katuwang ang City Youth and Sports Development Department (CYSDD) sa pamumuno ni Mr. Marvin Panahon.
 
Ginanap ang naturang programa sa buong suporta ni City Mayor Doy Leachon, na patuloy na nagsusulong ng mga aktibidad para sa kalusugan, kabataan, at pagkakaisa ng bawat mamamayan ng Calapan.
 
Muli, isang mainit na pagbati at pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng saya!