



Mainit na tinanggap ng City Government of Calapan ang mga mag-aaral at pamunuan ng Abada College mula sa Bayan ng Pinamalayan sa kanilang ginawang pagbisita sa Calapan City Hall.
Tampok sa naturang lakbay-aral ang pagtuklas at pagpapalawak ng kaalaman ng mga estudyante ukol sa pamamalakad, mga serbisyo, at pampublikong pamamahala sa lungsod. Lubos naman ang pasasalamat ng buong pamunuan ng Abada College sa buong-pusong suporta at akomodasyon na ipinadama ng pamahalaang lungsod sa kanilang pagdating.