




Naging puno ng aksyon at mataas na antas ng kompetisyon ang katatapos lamang na City Mayor’s Cup Pickleball Tournament na ginanap sa Brgy. Bondoc Pickleball Court noong nakaraang September 18 at 19, 2026.
Matinding galing at determinasyon ang ipinamalas ng mga atleta na nagtagisan tungo sa kampeonato sa iba’t ibang kategorya:
- Low Intermediate Category
- High Intermediate Category
- Advanced Category
Matapos ang mga nakapananabik na final matches, pormal na ginawaran at pinarangalan ang mga nagwagi at naging kampeon sa bawat kategorya.
Ang matagumpay na palarong ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng ating City Mayor Doy Leachon katuwang ang City Youth and Sports Development Department (CYSDD) sa pamumuno ni Mr. Marvin Panahon.
Nakiisa at nagpakita rin ng suporta si 1st District Board Member RL Leachon, na isa ring kilalang pickleball enthusiast.