Welcome to Calapan City!

SECURE RESOURCES, SAFE PEOPLE, STRONGER COMMUNITIES

Matagumpay na isinagawa ang Human-Induced Hazard Preparedness & Complex Emergency Response Orientation – Cash Security Procedures and Safety Measures na ginanap sa Kalap Hall, City College Building.
 
Sa ilalim ng temang “Secure Resources, Safe People, Stronger Communities,” layunin ng oryentasyong ito na mapalakas ang kahandaan, kaligtasan, at kaalaman ng ating mga kawani sa paghawak at pagprotekta sa mga pampublikong yaman at pananalapi ng lungsod, partikular na sa panahon ng mga hindi inaasahang krisis at emerhensiya.
 
Ang mahalagang pagsasanay na ito ay pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Dennis Escosora, katuwang ang dedikadong staff ng CDRRMO. Sumalang at nakiisa rito ang mga empleyado ng City Government of Calapan mula sa iba’t ibang konsernadong departamento tulad ng City Treasury Department, kasama ang iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan.
 
Buo naman ang suportang ipinaabot ng ating City Mayor Doy Leachon sa mga ganitong uri ng pagsasanay, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na siguraduhing ligtas ang ating mga empleyado, protektado ang mga yaman ng lungsod, at handa ang buong pamayanan sa anumang banta ng panganib.