Welcome to Calapan City!

CHSD, Mas Pinauunlad ang kanilang Kasanayan para sa Mas Handa at Mas Ligtas na Calapan

Isinagawa ang Standard First Aid Training para sa CHSD Employees, (First Batch) ngayong September 16–18, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa kaalaman at kasanayan ng mga kawani sa wastong pagtugon sa mga emergency at iba’t ibang sitwasyong pangkalusugan.
 
Naging posible ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng City Health and Sanitation Department (CHSD), Provincial Health Office (PHO), BFP, CDRRMD, PDOHO at PDRRMO, na nagkaisa para sa mas ligtas, maagap at handang serbisyo sa komunidad.
 
Isasagawa naman ang Second Batch sa September 23–25, 2026, upang mas marami pang kawani ang mabigyan ng kinakailangang kaalaman sa Basic First Aid at emergency response.
 
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna nina Mayor Doy Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, para sa mga programang naglalayong mapalakas ang kahandaan at serbisyong pangkalusugan ng lungsod.
 
Sa pamumuno ni Dr. Basilisa Llanto, patuloy na pinapalakas ng CHSD ang kakayahan ng mga kawani upang maging mas handa sa anumang emergency at makapaghatid ng mas maagap at mahusay na serbisyo sa mga mamamayan ng Calapan.
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO