




Isang matagumpay na pamamahagi ng nagkakahalagang Php 6,000 ang naipaabot sa bawat miyembro ng Barangay Police Action Team (BPATs) ng Lungsod ng Calapan!
Ang halagang ito ay kumakatawan sa ating ipinangakong Php 1,000 monthly payout sa loob ng nagdaang anim na buwan. Bahagi ito ng patuloy na mandato ng City Government of Calapan, sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Doy Leachon, na kilalanin ang bawat sektor at magbigay-pugay sa walang-sawang serbisyo at sakripisyo ng ating mga barangay frontliners.
Mula sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa bawat sulok ng ating lungsod—maraming salamat sa inyong dedikasyon, mga ka-BPATs!