




Nagsama-sama ang mga Department Heads at kinauukulang tanggapan sa pangunguna ni City Administrator / CHRMD-OIC Angel Navarro para sa isinagawang State of the City Address (SOCA) Preparation Meeting ni Calapan City Mayor Doy Leachon.
Naging pangunahing pokus ng pagpupulong ang masusing pagpaplano sa paglalatag ng mga programa, pati na rin ang pagtitiyak sa seguridad, kaligtasan, at pangkalahatang kaayusan ng gaganaping kaganapan ngayong Oktubre 2026 sa Calapan City Coliseum.
Sa darating na SOCA, opisyal na iuulat ni Mayor Doy Leachon ang mga naging tagumpay, accomplishments, at mga naisakatuparang proyekto sa ilalim ng adhikain at programang “Maayos na Bayan, Sigurado” sa loob ng kanyang isang taong pamamahala sa ating lungsod. Tampok din dito ang paglalatag ng mga hinaharap na plano at mga bagong proyektong mas lalo pang mag-aangat sa ekonomiya at pamumuhay ng bawat Calapeño.
Sama-sama nating abangan ang patuloy na pag-unlad at pagbabago ng ating minamahal na Lungsod ng Calapan!