Welcome to Calapan City!

Bagong linggo, bagong pag-asa, at patuloy na pag-unlad para sa ating lungsod!

Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon ang ginanap na Flag Raising Ceremony ngayong umaga kasama ang buong puwersa ng City Health and Sanitation Department (CHSD) at ang Sangguniang Panlungsod.
 
Naging puno ng papuri at sining ang pagsisimula ng ating linggo sa pamamagitan ng dalawang natatanging pagkilala at pagtatanghal:
 
  • MGA BAGONG LIBRARIANS NG CITY COLLEGE OF CALAPAN: Taas-noong kinilala ang mga magigiting na passers ng September 2026 Librarians Computer-Based Licensure Exam! Nag-uwi ang City College of Calapan ng karangalan bilang Top 4 Performing School sa buong bansa na may 96.30% institutional passing rate (kumpara sa 74.95% national passing rate). Isang malaking patunay ng kalidad ng edukasyon sa ating lungsod!
  • MUSICAL TRIBUTE ‘LINGID’: Naghandog ng isang masidhi at makahulugang pagtatanghal ang mga performers mula sa Oriental Mindoro Butterfly Society, Inc. (OMBSI) at Volunteer Artists of Mindoro Oriental Society (VAMOS) bilang patikim sa kanilang inaabangang musical tribute na “LINGID”. Binibigyang-buhay nito ang kabayanihan ni former Municipal Mayor Epifanio B. Cueto, Sr. at ang pagkamartir ni Monsignor Wilhelm Finnemann, SVD. Mapapanood ito ngayong Setyembre 26 sa Calapan City Coliseum.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na naglilingkod nang buong puso para sa Calapan!