Welcome to Calapan City!

Meals Beyond Service: Hatid ay Pag-asa, Malasakit at Ginhawa!

Lunes ika 7 ng Setyembre, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ni City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, ang blessing ng bagong Mobile Kitchen ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) at City Health Sanitation Department (CHSD) kasabay ng Monday Flag Raising Ceremony.
 
Pinangunahan nina DRRM Officer Dennis Escosora at City Health Officer Dr. Basilisa Llanto ang pagpapatupad ng programang naglalayong higit pang mapalakas ang kakayahan ng lungsod sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Calapeño, lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency situations.
 
Ang bagong Mobile Kitchen ay kumpleto sa mga kitchen facilities, kagamitan at accessories, na magsisilbing mahalagang karagdagang kagamitan ng lungsod para sa paghahanda at pamamahagi ng pagkain sa mga apektadong residente at mga nangangailangan ng agarang tulong.
 
Patunay ito ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ng mas maagap, organisado at episyenteng serbisyong pangkalusugan at pangkalamidad para sa kapakanan ng bawat Calapeño.
 
Serbisyong laging handa, para sa Calapeñong nangangailangan. May malasakit, may aksyon, may ginhawa!
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO