Welcome to Calapan City!

Isang makabuluhang umaga ng Lunes para sa masiglang simula ng ating lingguhang serbisyo publiko!

inangunahan ni City Mayor Doy Leachon, kasama ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni City Vice Mayor Bim Ignacio, ang ginanap na Flag Raising Ceremony ngayong araw. Naging tampok sa naturang aktibidad ang pagkilala sa katatapos lamang na Philippine Councilors League (PCL) Week na matagumpay na idinaos noong Setyembre 1–7, 2026.
 
Kaugnay rin ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary, isinagawa ang mga sumusunod na makabuluhang programa:
 
  • Grocery Donation Drive: Handog sa ating mga nakatutok na kawani—10 permanent utility workers, 31 Job Order utility workers at building caretakers, 14 permanent drivers, at 28 piling street sweepers, garbage collectors, at dumping aides.
  • CENRD: Ceremonial distribution ng Personal Protective Equipment (PPEs) para sa seguridad at kaligtasan ng ating mga street sweepers, garbage collectors, at dumping aides sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin.
  • CDRRMD & CEPWD: Isinagawa ang blessing sa pangunguna ni Fr. RV Villavicencio para sa bagong Mobile Kitchen ng CDRRMD at bagong truck ng CEPWD upang mas mapabilis at maipaabot ang agarang tulong sa mamamayan.
  • Model Employee Award: Mainit na pagkilala kay Mr. Jophet C. Osorio ng City College of Calapan na itinanghal bilang Model Employee of the Month for July dahil sa kanyang natatanging dedikasyon sa trabaho.
Isang patunay ang umagang ito ng patuloy, tapat, at masigasig na paglilingkod para sa bawat mamamayan. Tuloy-tuloy ang serbisyo, tuloy-tuloy ang pag-unlad!