



Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA), isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang Grocery Drive na may temang โMalasakit sa Kapwa, Galing sa Puso, Para sa Lingkod Natin.โ
ย
Sa pamamagitan ng bukal sa pusong pagbabahagi ng mga kawani ng City Government, nakapaghanda at nakapagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng mga grocery items para sa mga empleyadong patuloy na nagsisikap at nagsisilbi para sa kapakanan at kaayusan ng lungsod.
ย
Kabilang sa mga nabiyayaan ng grocery packs ang 10 permanent utility workers, 31 Job Order (JO) utility workers at building caretakers, 14 permanent drivers, at 28 piling street sweepers, garbage collectors, at dumping aides.
ย
Layunin ng Grocery Drive na maipadama ang pagpapahalaga, pagkalinga at pasasalamat sa mga lingkod-bayan na tahimik na gumagawa ng mahahalagang gawain sa araw-araw, mga katuwang sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at tuloy-tuloy na serbisyo publiko.
ย
Sa selebrasyon ng 126th PCSA, muling pinatutunayan na ang tunay na diwa ng paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa trabaho, kundi sa malasakit na nagmumula sa puso at kusang ibinabahagi sa kapwa.
ย
Malasakit na bukal sa puso, munting handog, malaking pasasalamat at saya ang baon!
ย
โ Author: Kate R. Redublo/CIO