Welcome to Calapan City!

Mind Matters: Empowering Healthy Minds, Healthy Lives

Mainit na sinuportahan ng City Government of Calapan, sa pamamagitan ng City Education Department (CED) sa pamamahala ni CED OIC Ms. Marvie Mañibo, MPM, ang isinagawang “Mind Matters: Empowering Healthy Minds, Healthy Lives”, isang makabuluhang gawain ng Department of Education (DepEd) na naglalayong palakasin ang kamalayan at pangangalaga sa mental health, partikular sa mga kabataan.
 
Kabilang sa mga naging tampok ng aktibidad ang mga lecture at talakayan hinggil sa mahahalagang usapin tulad ng “Challenges and Changes During Adolescence,” “Creating a Supportive Environment,” at “Stress Management Techniques and Coping Strategies,” gayundin ang iba pang kaugnay na gawain na nakatuon sa pagbuo ng malusog na pag-iisip at positibong pananaw sa buhay.
 
Dumalo at nanguna sa nasabing aktibidad sina Madam Susana M. Bautista – Schools Division Superintendent DepEd Schools Division of Calapan City, Sir Allan L. Paigao – Chief of the School Governance and Operations Division (SGOD), kasama ang iba pang mga concerned individuals at stakeholders na nagpaabot ng kanilang suporta at pakikiisa upang maisakatuparan ang layunin ng nasabing programa.
 
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng DepEd, City Government of Calapan, City Education Department, at iba pang katuwang, muling naipakita ang kahalagahan ng paglikha ng ligtas, suportado, at makabuluhang kapaligiran para sa mental at emosyonal na kapakanan ng kabataan.
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO