Welcome to Calapan City!

HANDA NA PARA SA SOCA 2026!

Ginanap ang isang mahalagang Preparatory Meeting para sa darating na 2026 State of the City Address (SOCA) ni City Mayor Doy C. Leachon, sa pangunguna ni City Administrator / CHRMD, OIC Angel M. Navarro.
 
Layunin ng pagpupulong na ito na tiyaking maging maayos, komprehensibo, at matagumpay ang gaganaping pag-uulat sa ating mga kababayan sa darating na Oktubre 2026. Sa darating na SOCA, ibabahagi ni Mayor Doy Leachon ang:
 
  • Ulat sa Mamamayan: Ang mga naging accomplishment at resulta ng nakalipas na isang taong tapat at masipag na paglilingkod sa mga Calapeño.
  • Mga Bagong Plano at Proyekto: Ang mga susunod na hakbangin, programa, at imprastraktura sa ilalim ng adbokasiyang “Maayos na Bayan, Sigurado!”
Patuloy ang pakikipagtulungan ng bawat departamento ng Pamahalaang Lungsod upang masiguro na ang bawat programa ay nakatutok sa pag-unlad ng Calapan at sa kapakanan ng bawat pamilyang Calapeño.