



Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang 52nd Nutrition Month Celebration cum Recognition and Awarding Ceremony Miyerkules ika 29 ng Hulyo sa Calapan City Convention Center, na may temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan.”
Pinangunahan nina Calapan City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio ang nasabing programa bilang pagpapakita ng kanilang matibay na suporta sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan para sa kapakanan ng bawat pamilyang Calapeño.
Pinangunahan ang matagumpay na selebrasyon ng City Health and Sanitation Department sa pangunguna ni Dr. Basilisa Llanto, City Health Officer (CHO), katuwang ang iba’t ibang tanggapan at mga indibidwal na naging mahalagang bahagi ng programa, kabilang sina CNAO Glenda Raquepo, RN, Dr. Ma. Teresita N. Bolor, Dr. Rachelle Ann Mae Arañez, Hon. Jun Cabailo Jr., Committee Chairperson on Health and Sanitation, at marami pang iba na naglaan ng kanilang suporta at dedikasyon upang maging matagumpay ang pagdiriwang.
Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang Echo-Art Logo Reproduction Contest, 11th Birthday Celebration of the 100 millionth Symbolic Baby, pagkilala at paggawad ng parangal sa mga natatanging katuwang sa programa sa nutrisyon, at iba pang gawaing nagbigay-diin sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, higit na napalalakas ang kamalayan ng mamamayan sa kahalagahan ng sapat na nutrisyon, aktibong pamumuhay, at pangangalaga sa kalikasan. Pinagtitibay rin nito ang ugnayan ng pamahalaan at komunidad sa pagtataguyod ng mas malusog, mas ligtas, at mas maunlad na Lungsod ng Calapan para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.
— Author: Kate R. Redublo/CIO