Welcome to Calapan City!

3RD WAVE CASH GIFT DISTRIBUTION (Octogenarians & Nonagenarians)

Isinagawa ngayong Hulyo 27, 2026 ang 3rd Wave Cash Gift Distribution para sa 65 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga octogenarians at nonagenarians sa Lungsod ng Calapan.
 
Pinangunahan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamamagitan ni OSCA Head Imelda Dacillo ang pamamahagi, bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga nakatatandang mamamayan ng Calapan. Ang programa ay suportado ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, katuwang ang National Commission of Senior Citizens (NCSC).
 
Ang naturang programa ay nagpapakita ng pagtutulungan ng pamahalaang nasyunal at lokal upang matugunan ang pangangailangan at mapalakas ang proteksyon para sa sektor ng senior citizens. Higit pa sa tulong pinansyal, ang cash gift distribution ay nagsisilbing pagkilala sa mahalagang ambag ng mga nakatatanda sa komunidad at nagbibigay ng dagdag na suporta para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
 
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, naipapakita ang malasakit at pangako ng pamahalaan na mapanatili ang dignidad, kagalingan, at kalidad ng buhay ng mga senior citizen ng Calapan.
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO