Welcome to Calapan City!

NAGKAISA PARA SA MAS INKLUSIBONG CALAPAN SA PAGDIRIWANG NG IKA-48 NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK

Ipinamalas ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna nina Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, ang patuloy nitong suporta at pagkilala sa kakayahan, karapatan, at mahalagang papel ng mga Persons with Disabilities (PWDs) sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week.
 
Sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa pamumuno ni PDAO Head Ma’am Glenda Valerio, isinagawa ang iba’t ibang makabuluhang programa at aktibidad na may temang “Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development”, na naglalayong higit pang palakasin ang pantay na partisipasyon at inklusibong pag-unlad para sa lahat.
 
Naging tampok sa programa ang Message of Gratitude ni Mr. Ronald Bulan, Pangulo ng Calapan City PWD Association; Inspirational Message ni Vice Governor Jojo Perez Jr.; Words of Commitment ng mga konsehal ng lungsod; at Message of Support ni Mayor Doy C. Leachon, na lahat ay nagpahayag ng kani-kanilang matibay na pangako sa patuloy na pagtataguyod ng kapakanan at karapatan ng sektor ng PWD.
 
Bilang bahagi ng programa, namahagi rin ang City Social Welfare and Development Department (CSWD) ng gatas at biskwit sa mga benepisyaryo, sinundan ng Awarding of Assistive Devices upang higit na makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
 
Nagbigay rin ng kasiyahan ang Dance Competition, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento, kumpiyansa, at husay. Isinagawa din ang AICS Validation and Pay-out, Palaro ng Lahi, at Awarding of Winners, bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok at natatanging pagganap ng mga contestants at participants.
 
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang mga programang nagbibigay ng pantay na oportunidad at nagtataguyod ng isang lipunang walang naiiwan—patunay na “Together We Build an Inclusive Calapan.”
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO