Welcome to Calapan City!

PANIBAGONG LINGGO, PANIBAGONG HIGPIT-HAWAK SA SERBISYO!

Puno ng sigla at dedikasyon na sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang panibagong linggo ng paglilingkod sa ating tradisyunal na Flag Raising Ceremony ngayong umaga!
 
Naging punong-abala sa linggong ito ang masipag na pangkat ng City Youth and Sports Development Department (CYSDD) sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Marvin Panahon, kasama ang ating City Mayor Doy Leachon.
 
Bitbit ang enerhiya at pagmamahal sa lungsod, handa na ulit ang buong pwersa ng City Hall na maghatid ng natatanging serbisyo para sa ating kabataan at sa buong komunidad ng Calapan!
Magandang umaga at isang produktibong linggo sa ating lahat!