Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang Red Carpet Premiere Night ng pelikulang “Behind The Smile” noong ika-26 ng Hulyo, 2026 sa ating mismong Calapan City Convention Center!
Tampok sa nasabing pelikula ang naglalakihang mga bituin tulad nina Former Provincial Vice Governor EJ Falcon, Jennica Garcia, BJ Forbes, at ang ating napakagaling na homegrown artist na si Dana Alexa Cada, sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Mr. Lawrence Roxas.
Nagkaroon din ng espesyal na pagtatanghal at special appearance ang ating aktibong City Mayor Doy Leachon, kung saan tampok at ating ipinagmalaki ang mga programa ng Pamahalaang Panlungsod na nagpapalawig ng HIV/AIDS Awareness—lalo na sa ating mga kabataan, na siyang pangunahing adbokasiya ng pelikula.
Ipinagmamalaki rin nating naging venue ng ilang mahahalagang eksena sa pelikula ang mga iconic na lugar dito sa ating Lungsod ng Calapan!
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa lahat ng nakibahagi, sumuporta, at nakiisa sa makasaysayang gabing ito. Patuloy tayong magkakaisa para sa sining, edukasyon, at kalusugan ng ating mamamayan!