Welcome to Calapan City!

TRAINING OF RAPID DAMAGE ASSESSMENT AND NEEDS ANALYSIS (RDANA) – DAY 3

Matagumpay na isinagawa ang Ikatlong Araw ng Training of Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa tanggapan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) sa pamumuno ni DRRM Officer Dennis Escosora.
 
Sa ikatlong araw ng pagsasanay, buong-sipag na isinagawa ng mga kalahok ang mga sumusunod na mahalagang hakbang:
 
🔹 EOC Briefing & Team Briefing bago ang final deployment
🔹 Simulation Exercise o aktuwal na pagsasagawa ng pagsasanay sa field
🔹 Finalization ng RDANA Report upang masigurong tumpak at mabilis ang pag-uulat
 
Layunin ng Pagsasanay:
Lalong hasain ang kakayahan ng ating mga responder at katuwang na ahensya sa mabilis na pangangalap ng datos, wastong pagtatasa ng pinsala, at agarang pagtukoy sa tunay na pangangailangan ng mga apektadong komunidad — upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa oras ng kalamidad at iba’t ibang emergency.
 
Ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon, City Vice Mayor Bim Ignacio, kasama ang buong Sangguniang Panlungsod, na bumuo ng isang lungsod na:
 
Laging Handa | Mabilis Umaksyon | Matatag sa Harap ng Anyo ng Hamon