



Patuloy ang masigasig na paglilingkod ng ating pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng regular na Department Heads Meeting na pinangunahan ng ating City Mayor, Doy Leachon, kasama ang mga pinuno ng bawat departamento at mga program managers ng Calapan City Hall.
Sa pagpupulong na ito, masusing inilalatag at pinag-uusapan ang mga hakbangin at aksyon sa mga napapanahong usapin, gayundin ang mga programang naglalayong itaguyod ang kaunlaran ng ating lungsod.
Naging bukas din ang talakayan para sa mga suhestyon at makabuluhang ideya mula sa bawat departamento—mga proposisyong nakatutok sa pagbuo ng mga kapaki-pakinabang na proyekto na nakatuntong sa bisyon ng “MAAYOS NA BAYAN, SIGURADO!” sa ilalim ng pamumuno ng Administrasyong Leachon.