




Isinagawa ang Symposium on Drug-Free Workplace sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan! Ang mahalagang gawaing ito ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) MIMAROPA sa pakikipagtulungan ng City Urban Planning and Development Department (CUPDD), na dinaluhan ng mga kawani ng City Hall.
Pinasimulan ang programa sa pamamagitan ng welcome remarks mula kay City Administrator Angel Navarro, na tumatayo ring Officer-in-Charge ng City Human Resource Management Department (CHRMD).
Naging masining at makabuluhan ang talakayan sa pagbabahagi ng mga kaalaman ng ating mga speakers na sina Atty. Diana Mae Calangi-Rodil at Ms. Faye Faltado Maano mula sa PDEA. Tinalakay sa nasabing symposium ang:
Buo ang suporta ni City Mayor Doy Leachon sa mga ganitong inisyatibo upang matiyak na ang bawat empleyado ng pamahalaang lungsod ay may sapat na kaalaman at nananatiling ehemplo ng malinis na paglilingkod.
Makisama at makipagtulungan tayo para sa MAAYOS NA BAYAN, SIGURADO!