Welcome to Calapan City!

NUTRISYON AT KALIKASAN, ATING PANGALAGAAN!

Matagumpay na isinagawa ang Nutrition Month Celebration para sa mga barangay ng Cluster 4 na ginanap sa Barangay Nag-iba II, Lungsod ng Calapan!
 
Pinangunahan ni City Vice Mayor Bim Ignacio, bilang kinatawan ni City Mayor Doy Leachon, ang nasabing aktibidad kasama ang mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod bilang pagpapakita ng buong suporta sa kalusugan at kapakanan ng pamilyang Calapeño.
 
Naging maayos at makabuluhan ang programa sa ilalim ng pamamahala ng City Health and Sanitation Department (CHSD) sa pangunguna ni Dra. Basilisa Llanto, kasama sina Ms. Glenda Raquepo, RN (City Nutrition Action Officer), at Dra. Ma. Teresita Bolor (Rural Health Physician / City Population Officer). Dinaluhan ito ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ng kanilang mga kapitan na nabibiliang sa cluster 4 .
 
Sa pamamagitan ng temang “Nutrisyon at Kalikasan Ating Pangalagaan,” muling pinatunayan ng Pamahalaang Lungsod ang kahalagahan ng malusog na pamumuhay na nakatali sa pangangalaga sa ating kapaligiran—patungo sa bisyon ng Administrasyong Leachon-Ignacio na “MAAYOS NA BAYAN, SIGURADO!”